Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Papaanong nagpapahatol sila sa iyo samantalang taglay nila ang Torah na naroon ang kahatulan ni Allāh, pagkatapos tatalikod sila matapos na niyon. Ang mga iyon ay hindi ang mga mananampalataya. (43)
Tafsīr
Tunay na ang kalagayan ng mga ito ay talagang kataka-taka sapagkat sila ay tumatangging sumampalataya sa iyo ngunit nagpapahatol sa iyo dala ng paghahangad sa paghatol mo ng umaayon sa mga pithaya nila samantalang taglay nila ang Torah na nag-aangkin sila ng pananampalataya raw roon, na naroon ang kahatulan ni Allāh, pagkatapos umaayaw sila sa hatol mo kapag hindi umalinsunod sa mga pithaya nila. Kaya naman nagsama sila sa kawalang-pananampalataya sa nasa kasulatan nila at sa pag-ayaw sa hatol mo. Ang kagagawan ng mga ito ay hindi kagagawan ng mga mananampalataya kaya sila, samakatuwid, ay hindi kabilang sa mga manananampalataya sa iyo at sa inihatid mo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: