Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 43 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 43 sa 120 • Tagalog


وَكَيْفَ يُحَكِّمُونَكَ وَعِنْدَهُمُ التَّوْرَاةُ فِيهَا حُكْمُ اللَّهِ ثُمَّ يَتَوَلَّوْنَ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ ۚ وَمَا أُولَٰئِكَ بِالْمُؤْمِنِينَ 43
Pagsasalin:
Papaanong nagpapahatol sila sa iyo samantalang taglay nila ang Torah na naroon ang kahatulan ni Allāh, pagkatapos tatalikod sila matapos na niyon. Ang mga iyon ay hindi ang mga mananampalataya. Al-Mā’idah 5:43
Tafsīr:
Tunay na ang kalagayan ng mga ito ay talagang kataka-taka sapagkat sila ay tumatangging sumampalataya sa iyo ngunit nagpapahatol sa iyo dala ng paghahangad sa paghatol mo ng umaayon sa mga pithaya nila samantalang taglay nila ang Torah na nag-aangkin sila ng pananampalataya raw roon, na naroon ang kahatulan ni Allāh, pagkatapos umaayaw sila sa hatol mo kapag hindi umalinsunod sa mga pithaya nila. Kaya naman nagsama sila sa kawalang-pananampalataya sa nasa kasulatan nila at sa pag-ayaw sa hatol mo. Ang kagagawan ng mga ito ay hindi kagagawan ng mga mananampalataya kaya sila, samakatuwid, ay hindi kabilang sa mga manananampalataya sa iyo at sa inihatid mo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 42 Susunod Al-Mā’idah • Talata 44