Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 44 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 44 sa 120 • Tagalog


إِنَّا أَنْزَلْنَا التَّوْرَاةَ فِيهَا هُدًى وَنُورٌ ۚ يَحْكُمُ بِهَا النَّبِيُّونَ الَّذِينَ أَسْلَمُوا لِلَّذِينَ هَادُوا وَالرَّبَّانِيُّونَ وَالْأَحْبَارُ بِمَا اسْتُحْفِظُوا مِنْ كِتَابِ اللَّهِ وَكَانُوا عَلَيْهِ شُهَدَاءَ ۚ فَلَا تَخْشَوُا النَّاسَ وَاخْشَوْنِ وَلَا تَشْتَرُوا بِآيَاتِي ثَمَنًا قَلِيلًا ۚ وَمَنْ لَمْ يَحْكُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْكَافِرُونَ 44
Pagsasalin:
Tunay na Kami ay nagpababa ng Torah, na doon ay may patnubay at liwanag. Humahatol sa pamamagitan nito ang mga propeta, na mga nagpasakop, sa mga nagpakahudyo, at [gayundin] ang mga rabbi, at ang mga pantas [para humatol] sa pamamagitan ng pinaingatan sa kanila mula sa Kasulatan ni Allāh. Sila noon doon ay mga saksi. Kaya huwag kayong matakot sa mga tao at matakot kayo sa Akin. Huwag kayong bumili kapalit ng mga talata Ko ng isang kaunting panumbas. Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya. Al-Mā’idah 5:44
Tafsīr:
Tunay na Kami ay nagpababa ng Torah kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na doon ay may paggabay at pahiwatig sa kabutihan, at liwanag na ipinantatanglaw. Humahatol sa pamamagitan nito ang mga propeta ng mga anak ni Israel na mga nagpaakay kay Allāh sa pamamagitan ng pagtalima. Humahatol sa pamamagitan nito ang mga maalam at ang mga marunong sa batas na nagtuturo sa mga tao ng ipinaingat sa kanila ni Allāh sa Kasulatan Niya. Gumawa Siya sa kanila bilang mga tagapag-ingat dito, na nangangalaga rito laban sa paglilihis at pagpapalit ng kahulugan. Sila ay mga saksi rito na ito ay katotohanan. Sa kanila sumasangguni ang mga tao hinggil sa pumapatungkol dito. Kaya huwag kayong mangamba, O mga Hudyo, sa mga tao ngunit mangamba kayo kay Allāh lamang. Huwag kayong tumanggap ng isang pamalit sa hatol ayon sa pinababa ni Allāh kapalit ng kaunting halaga gaya ng posisyon o prestihiyo o salapi. Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa pinababa ni Allāh mula sa pagkakasi habang nagtuturing na ipinahihintulot iyon o nagmamagaling higit dito ng iba pa rito o nagpapantay niyon dito, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya nang totohanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 43 Susunod Al-Mā’idah • Talata 45