Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 46)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 46

وَقَفَّيْنَا عَلَىٰ آثَارِهِمْ بِعِيسَى ابْنِ مَرْيَمَ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ التَّوْرَاةِ ۖ وَآتَيْنَاهُ الْإِنْجِيلَ فِيهِ هُدًى وَنُورٌ وَمُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ التَّوْرَاةِ وَهُدًى وَمَوْعِظَةً لِلْمُتَّقِينَ 46 ٤٦

Nagpatunton Kami, sa mga bakas nila, kay Jesus na anak ni Maria, bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa kanya na Torah. Nagbigay Kami sa kanya ng Ebanghelyo, na dito ay may patnubay at liwanag, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito na Torah bilang patnubay at bilang pangaral para sa mga tagapangilag magkasala. (46)

Tafsīr
Nagpasunod Kami sa mga bakas ng mga propeta ng mga anak ni Israel kay Hesus na anak ni Maria bilang mananampalataya sa Torah at bilang tagapaghatol ayon dito. Nagbigay Kami sa kanya ng Ebanghelyo bilang naglalaman ng kapatnubayan sa katotohanan at ng nag-aalis ng mga kalituhan mula sa mga katwiran at lumulutas sa mga suliranin mula sa mga kahatulan, at bilang sumasang-ayon sa bumaba bago pa nito na Torah maliban sa kaunti kabilang sa pinawalang-bisa nito na mga kahatulan niyon. Gumawa Kami sa Ebanghelyo bilang patnubay, na napapatnubayan sa pamamagitan nito ang mga tagapangilag magkasala, at bilang pampigil sa paggawa ng ipinagbawal nito sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba