Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 46 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 46 sa 120 • Tagalog


وَقَفَّيْنَا عَلَىٰ آثَارِهِمْ بِعِيسَى ابْنِ مَرْيَمَ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ التَّوْرَاةِ ۖ وَآتَيْنَاهُ الْإِنْجِيلَ فِيهِ هُدًى وَنُورٌ وَمُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ التَّوْرَاةِ وَهُدًى وَمَوْعِظَةً لِلْمُتَّقِينَ 46
Pagsasalin:
Nagpatunton Kami, sa mga bakas nila, kay Jesus na anak ni Maria, bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa kanya na Torah. Nagbigay Kami sa kanya ng Ebanghelyo, na dito ay may patnubay at liwanag, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito na Torah bilang patnubay at bilang pangaral para sa mga tagapangilag magkasala. Al-Mā’idah 5:46
Tafsīr:
Nagpasunod Kami sa mga bakas ng mga propeta ng mga anak ni Israel kay Hesus na anak ni Maria bilang mananampalataya sa Torah at bilang tagapaghatol ayon dito. Nagbigay Kami sa kanya ng Ebanghelyo bilang naglalaman ng kapatnubayan sa katotohanan at ng nag-aalis ng mga kalituhan mula sa mga katwiran at lumulutas sa mga suliranin mula sa mga kahatulan, at bilang sumasang-ayon sa bumaba bago pa nito na Torah maliban sa kaunti kabilang sa pinawalang-bisa nito na mga kahatulan niyon. Gumawa Kami sa Ebanghelyo bilang patnubay, na napapatnubayan sa pamamagitan nito ang mga tagapangilag magkasala, at bilang pampigil sa paggawa ng ipinagbawal nito sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 45 Susunod Al-Mā’idah • Talata 47