Humatol ang mga May Ebanghelyo ng ayon sa pinababa ni Allāh sa loob niyon! Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga suwail. Al-Mā’idah 5:47 ⧉
Tafsīr:
Sampalatayanan ng mga Kristiyano ang pinababa ni Allāh sa Ebanghelyo at humatol sila ayon dito hinggil sa inihatid nito na katapatan bago ng pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kanila. Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh, ang mga nag-iiwan sa katotohanan, ang mga kumikiling sa kabulaanan.