Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 48 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 48 sa 120 • Tagalog


وَأَنْزَلْنَا إِلَيْكَ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ الْكِتَابِ وَمُهَيْمِنًا عَلَيْهِ ۖ فَاحْكُمْ بَيْنَهُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ ۖ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَهُمْ عَمَّا جَاءَكَ مِنَ الْحَقِّ ۚ لِكُلٍّ جَعَلْنَا مِنْكُمْ شِرْعَةً وَمِنْهَاجًا ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَجَعَلَكُمْ أُمَّةً وَاحِدَةً وَلَٰكِنْ لِيَبْلُوَكُمْ فِي مَا آتَاكُمْ ۖ فَاسْتَبِقُوا الْخَيْرَاتِ ۚ إِلَى اللَّهِ مَرْجِعُكُمْ جَمِيعًا فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ 48
Pagsasalin:
Nagpababa Kami sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito na kasulatan at bilang tagapagsubaybay rito. Kaya humatol ka sa pagitan nila ng ayon sa pinababa ni Allāh at huwag kang sumunod sa mga pithaya nila kapalit ng dumating sa iyo na katotohanan. Para sa bawat kabilang sa inyo ay gumawa Kami ng isang pagbabatas at isang pamamaraan. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang gumawa Siya sa inyo na nag-iisang kalipunan [sa pagbabatas] subalit [pinag-iiba kayo] upang sumubok Siya sa inyo sa ibinigay Niya sa inyo. Kaya mag-unahan kayo sa mga kabutihan. Tungo kay Allāh ang babalikan ninyo nang lahatan saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo dati kaugnay roon ay nagkakaiba-iba. Al-Mā’idah 5:48
Tafsīr:
Nagpababa sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān na may katapatang walang duda at walang alinlangan na ito ay mula sa ganang Kanya bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito na mga kasulatang pinababa at bilang pinagkakatiwalaan sa mga ito. Kaya ang anumang umaayon dito mula sa mga iyon, iyan ay katotohanan; at ang anumang sumasalungat dito, iyan ay kabulaanan. Kaya humatol ka sa pagitan nila ayon sa pinababa ni Allāh sa iyo kaugnay roon. Huwag kang sumunod sa mga pithaya nilang pinanghahawakan nila habang iniiwan ang pinababa sa iyo na katotohanang walang duda hinggil doon. Gumawa si Allāh para sa bawat kalipunan ng isang batas mula sa mga patakarang panggawain at ng isang paraang maliwanag na napapatnubayan sila sa pamamagitan nito. Kung sakaling niloob ni Allāh na pag-isahin ang mga batas, talaga sanang pinag-isa Niya ang mga ito subalit Siya ay gumawa para sa bawat kalipunan ng batas upang sulitin ang lahat para malantad ang tagatalima sa tagasuway. Kaya magmadali kayo tungo sa paggawa ng mga kabutihan at pag-iwan sa mga nakasasama sapagkat tungo kay Allāh lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon. Magbabalita Siya sa inyo tungkol sa anumang kayo noon kaugnay roon ay nagkakasalungatan. Gaganti Siya sa inyo sa anumang ipinauna ninyo na mga gawa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 47 Susunod Al-Mā’idah • Talata 49