Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 49 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 49 sa 120 • Tagalog


وَأَنِ احْكُمْ بَيْنَهُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَهُمْ وَاحْذَرْهُمْ أَنْ يَفْتِنُوكَ عَنْ بَعْضِ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ إِلَيْكَ ۖ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَاعْلَمْ أَنَّمَا يُرِيدُ اللَّهُ أَنْ يُصِيبَهُمْ بِبَعْضِ ذُنُوبِهِمْ ۗ وَإِنَّ كَثِيرًا مِنَ النَّاسِ لَفَاسِقُونَ 49
Pagsasalin:
Na humatol ka sa pagitan nila ng ayon sa pinababa ni Allāh, huwag kang sumunod sa mga pithaya nila, at mag-ingat ka sa kanila na makatukso sila sa iyo palayo sa ilan sa pinababa ni Allāh sa iyo. Kaya kung tumalikod sila ay alamin mo na nagnanais lamang si Allāh na magpatama sa kanila ng ilan sa mga pagkakasala nila. Tunay na marami sa mga tao ay talagang mga suwail. Al-Mā’idah 5:49
Tafsīr:
Na humatol ka sa pagitan nila, O Sugo, ng ayon sa pinababa ni Allāh sa iyo, huwag kang sumunod sa mga pananaw nilang namumutawi mula sa pagsunod ng pithaya, at mag-ingat ka sa kanila na magligaw sila sa iyo palayo sa ilan sa pinababa ni Allāh sa iyo sapagkat hindi sila mag-aalintana ng isang pagpupunyagi alang-alang doon. Kaya kung umayaw sila sa pagtanggap sa kahatulan ayon sa pinababa ni Allāh sa iyo ay alamin mo na nagnanais lamang si Allāh na magparusa sa kanila, dahil sa ilan sa mga pagkakasala nila, ng isang kaparusahang pangmundo at magpaparusa Siya sa kanila sa lahat ng mga ito sa Kabilang-buhay. Tunay na marami sa mga tao ay talagang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 48 Susunod Al-Mā’idah • Talata 50