Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Na humatol ka sa pagitan nila ng ayon sa pinababa ni Allāh, huwag kang sumunod sa mga pithaya nila, at mag-ingat ka sa kanila na makatukso sila sa iyo palayo sa ilan sa pinababa ni Allāh sa iyo. Kaya kung tumalikod sila ay alamin mo na nagnanais lamang si Allāh na magpatama sa kanila ng ilan sa mga pagkakasala nila. Tunay na marami sa mga tao ay talagang mga suwail. (49)
Tafsīr
Na humatol ka sa pagitan nila, O Sugo, ng ayon sa pinababa ni Allāh sa iyo, huwag kang sumunod sa mga pananaw nilang namumutawi mula sa pagsunod ng pithaya, at mag-ingat ka sa kanila na magligaw sila sa iyo palayo sa ilan sa pinababa ni Allāh sa iyo sapagkat hindi sila mag-aalintana ng isang pagpupunyagi alang-alang doon. Kaya kung umayaw sila sa pagtanggap sa kahatulan ayon sa pinababa ni Allāh sa iyo ay alamin mo na nagnanais lamang si Allāh na magparusa sa kanila, dahil sa ilan sa mga pagkakasala nila, ng isang kaparusahang pangmundo at magpaparusa Siya sa kanila sa lahat ng mga ito sa Kabilang-buhay. Tunay na marami sa mga tao ay talagang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: