Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Magsasabi ang mga sumampalataya [hinggil sa mga mapagpaimbabaw]: “Ang mga ito ba ang mga sumumpa kay Allāh nang taimtiman sa mga panunumpa nila na tunay na sila ay talagang kasama sa inyo.” Nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila kaya sila ay naging mga lugi. (53)
Tafsīr
Magsasabi ang mga mananampalataya habang mga nagtataka sa kalagayan ng mga mapagpaimbabaw na ito: "Ang mga sumumpang ito ba habang mga nagbibigay-diin sa pananampalataya nila na tunay na sila ay talagang kasama ninyo, O mga mananampalataya, sa pananampalataya, pag-aadya, at pakikipagtangkilikan?" Nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila kaya sila ay naging mga lugi dahil sa pagkaalpas ng nilayon nila at inihanda para sa kanila na pagdurusa.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: