Magsasabi ang mga sumampalataya [hinggil sa mga mapagpaimbabaw]: “Ang mga ito ba ang mga sumumpa kay Allāh nang taimtiman sa mga panunumpa nila na tunay na sila ay talagang kasama sa inyo.” Nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila kaya sila ay naging mga lugi. Al-Mā’idah 5:53 ⧉
Tafsīr:
Magsasabi ang mga mananampalataya habang mga nagtataka sa kalagayan ng mga mapagpaimbabaw na ito: "Ang mga sumumpang ito ba habang mga nagbibigay-diin sa pananampalataya nila na tunay na sila ay talagang kasama ninyo, O mga mananampalataya, sa pananampalataya, pag-aadya, at pakikipagtangkilikan?" Nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila kaya sila ay naging mga lugi dahil sa pagkaalpas ng nilayon nila at inihanda para sa kanila na pagdurusa.