Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 54 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 54 sa 120 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا مَنْ يَرْتَدَّ مِنْكُمْ عَنْ دِينِهِ فَسَوْفَ يَأْتِي اللَّهُ بِقَوْمٍ يُحِبُّهُمْ وَيُحِبُّونَهُ أَذِلَّةٍ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ أَعِزَّةٍ عَلَى الْكَافِرِينَ يُجَاهِدُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَلَا يَخَافُونَ لَوْمَةَ لَائِمٍ ۚ ذَٰلِكَ فَضْلُ اللَّهِ يُؤْتِيهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ 54
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, ang sinumang tatalikod kabilang sa inyo sa relihiyon niya ay papalitan ni Allāh ng mga taong umiibig Siya sa kanila at umiibig sila sa Kanya, na mga kaaba-aba sa mga mananampalataya, na mga makapangyarihan sa mga tagatangging sumampalataya, na nakikibaka ayon sa landas ni Allāh at hindi nangangamba sa paninisi ng isang naninisi. Iyon ay ang kagandahang-loob ni Allāh; nagbibigay Siya nito sa sinumang loloobin Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam. Al-Mā’idah 5:54
Tafsīr:
O mga sumampalataya, ang sinumang tatalikod kabilang sa inyo sa relihiyon niya patungo sa kawalang-pananampalataya ay papalitan ni Allāh ng mga taong iibig Siya sa kanila at iibig sila sa Kanya dahil sa pagpapakatuwid nila, na mga maawain sa mga mananampalataya, na mga matindi sa mga tagatangging sumampalataya, na nakikibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila upang ang Salita ni Allāh ay maging ang kataas-taasan, at hindi natatakot sa pamumuna ng sinumang namumuna dahil sa pagpapauna nila sa kaluguran ni Allāh higit sa kaluguran ng mga nilikha. Iyon ay bahagi ng bigay ni Allāh na ibinibigay Niya sa sinumang loloobin Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob at ang paggawa ng maganda, Maalam sa sinumang nagiging karapat-dapat sa kabutihang-loob Niya kaya nagkakaloob nito sa kanya, samantalang ang sinumang hindi nagiging karapat-dapat dito ay pinagkakaitan Niya nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 53 Susunod Al-Mā’idah • Talata 55