Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 55 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 55 sa 120 • Tagalog


إِنَّمَا وَلِيُّكُمُ اللَّهُ وَرَسُولُهُ وَالَّذِينَ آمَنُوا الَّذِينَ يُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَهُمْ رَاكِعُونَ 55
Pagsasalin:
Ang katangkilik ninyo lamang ay si Allāh, ang Sugo Niya, at ang mga sumampalataya na nagpapanatili sa pagdarasal at nagbibigay ng zakāh habang sila ay mga nakayukod. Al-Mā’idah 5:55
Tafsīr:
Hindi ang mga Hudyo ni ang mga Kristiyano ni ang iba pa sa kanila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya ang mga katangkilik ninyo, bagkus tunay na ang katangkilik ninyo at ang tagaadya ninyo ay si Allāh, ang Sugo Niya, at ang mga mananampalataya na nagsasagawa ng pagdarasal nang lubusan at nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila habang sila ay mga nagpapakumbaba kay Allāh bilang mga nagpapakaaba.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 54 Susunod Al-Mā’idah • Talata 56