Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 55)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 55

إِنَّمَا وَلِيُّكُمُ اللَّهُ وَرَسُولُهُ وَالَّذِينَ آمَنُوا الَّذِينَ يُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَهُمْ رَاكِعُونَ 55 ٥٥

Ang katangkilik ninyo lamang ay si Allāh, ang Sugo Niya, at ang mga sumampalataya na nagpapanatili sa pagdarasal at nagbibigay ng zakāh habang sila ay mga nakayukod. (55)

Tafsīr
Hindi ang mga Hudyo ni ang mga Kristiyano ni ang iba pa sa kanila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya ang mga katangkilik ninyo, bagkus tunay na ang katangkilik ninyo at ang tagaadya ninyo ay si Allāh, ang Sugo Niya, at ang mga mananampalataya na nagsasagawa ng pagdarasal nang lubusan at nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila habang sila ay mga nagpapakumbaba kay Allāh bilang mga nagpapakaaba.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba