Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 60)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 60

قُلْ هَلْ أُنَبِّئُكُمْ بِشَرٍّ مِنْ ذَٰلِكَ مَثُوبَةً عِنْدَ اللَّهِ ۚ مَنْ لَعَنَهُ اللَّهُ وَغَضِبَ عَلَيْهِ وَجَعَلَ مِنْهُمُ الْقِرَدَةَ وَالْخَنَازِيرَ وَعَبَدَ الطَّاغُوتَ ۚ أُولَٰئِكَ شَرٌّ مَكَانًا وَأَضَلُّ عَنْ سَوَاءِ السَّبِيلِ 60 ٦٠

Sabihin mo: “Magbabalita kaya ako sa inyo hinggil sa higit na masama kaysa roon sa gantimpala mula sa ganang kay Allāh? [Hinggil ito] sa sinumang sumumpa sa kanya si Allāh, nagalit Siya sa kanya, at gumawa Siya kabilang sa kanila ng mga unggoy, mga baboy, at mga tagasamba ng nagpapakadiyos. Ang mga iyon ay higit na masama sa kalagayan at higit na ligaw palayo sa katumpakan ng landas.” (60)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Magpapabatid kaya Ako sa inyo hinggil sa kung sino silang higit na karapat-dapat sa kapintasan at higit na matindi sa parusa kaysa sa mga ito? Tunay na sila ay ang mga ninuno nila na itinaboy ni Allāh mula sa awa Niya, kinagalitan Niya, at inanyuan Niya, matapos ng pagpapalit-anyo, bilang mga unggoy at mga baboy. Gumawa Siya mula sa kanila ng mga mananamba ng mapagmalabis. Ang mapagmalabis ay ang bawat sinumang sinasamba bukod pa kay Allāh nang nalulugod. Ang mga nabanggit na iyon ay higit na masama sa kalagayan sa Araw ng Pagbangon at higit na ligaw sa pagsisikap sa landas na tuwid."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba