Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 60 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 60 sa 120 • Tagalog


قُلْ هَلْ أُنَبِّئُكُمْ بِشَرٍّ مِنْ ذَٰلِكَ مَثُوبَةً عِنْدَ اللَّهِ ۚ مَنْ لَعَنَهُ اللَّهُ وَغَضِبَ عَلَيْهِ وَجَعَلَ مِنْهُمُ الْقِرَدَةَ وَالْخَنَازِيرَ وَعَبَدَ الطَّاغُوتَ ۚ أُولَٰئِكَ شَرٌّ مَكَانًا وَأَضَلُّ عَنْ سَوَاءِ السَّبِيلِ 60
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Magbabalita kaya ako sa inyo hinggil sa higit na masama kaysa roon sa gantimpala mula sa ganang kay Allāh? [Hinggil ito] sa sinumang sumumpa sa kanya si Allāh, nagalit Siya sa kanya, at gumawa Siya kabilang sa kanila ng mga unggoy, mga baboy, at mga tagasamba ng nagpapakadiyos. Ang mga iyon ay higit na masama sa kalagayan at higit na ligaw palayo sa katumpakan ng landas.” Al-Mā’idah 5:60
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Magpapabatid kaya Ako sa inyo hinggil sa kung sino silang higit na karapat-dapat sa kapintasan at higit na matindi sa parusa kaysa sa mga ito? Tunay na sila ay ang mga ninuno nila na itinaboy ni Allāh mula sa awa Niya, kinagalitan Niya, at inanyuan Niya, matapos ng pagpapalit-anyo, bilang mga unggoy at mga baboy. Gumawa Siya mula sa kanila ng mga mananamba ng mapagmalabis. Ang mapagmalabis ay ang bawat sinumang sinasamba bukod pa kay Allāh nang nalulugod. Ang mga nabanggit na iyon ay higit na masama sa kalagayan sa Araw ng Pagbangon at higit na ligaw sa pagsisikap sa landas na tuwid."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 59 Susunod Al-Mā’idah • Talata 61