Kapag dumating sila sa inyo ay nagsasabi sila: “Sumampalataya kami,” samantalang pumasok na sila taglay ang kawalang-pananampalataya at lumabas na sila taglay ito. Si Allāh ay higit na maalam sa anumang dati nilang itinatago. Al-Mā’idah 5:61 ⧉
Tafsīr:
Kapag dumating sa inyo, O mga mananampalataya, ang mga mapagpaimbabaw kabilang sa kanila ay naglalantad sila sa inyo ng pananampalataya bilang pagpapaimbabaw mula sa kanila. Ang reyalidad ay na sila sa sandali ng pagpasok nila at paglabas nila ay mga nababalutan ng kawalang-pananampalataya, na hindi sila nakakakalas dito. Si Allāh ay higit na maalam sa kinikimkim nila na kawalang-pananampalataya kahit naglantad sila sa inyo ng pananampalataya. Gaganti Siya sa kanila roon.