Nakakikita ka ng marami kabilang sa kanila na nagmamabilis sa kasalanan, paglabag, at pagkain nila ng kinita sa masama. Talagang kay saklap ang dati nilang ginagawa. Al-Mā’idah 5:62 ⧉
Tafsīr:
Nakakikita ka, O Sugo, ng marami sa mga Hudyo at mga mapagpaimbabaw na nagdadali-dali sa paggawa ng mga pagsuway tulad ng pagsisinungaling, paglabag sa mga iba sa pamamagitan ng kawalang-katarungan sa mga ito, at pakikinabang sa mga yaman ng mga tao sa pamamagitan ng ipinagbabawal. Kay sagwa ang ginagawa nila!