Bakit kasi hindi sumasaway sa kanila ang mga rabbi at ang mga pantas sa pagsasabi nila ng kasalanan at pagkain nila ng kinita sa masama. Talagang kay saklap ang dati nilang pinaggagawa. Al-Mā’idah 5:63 ⧉
Tafsīr:
Bakit kaya hindi sumusuwata sa kanila ang mga pinuno nila at ang mga maalam nila sa minamabilis nilang pagsasabi ng kasinungalingan, pagsaksi sa kabulaanan, at pakikinabang sa mga yaman ng mga tao sa pamamagitan ng kabulaanan? Talaga ngang sumagwa ang pinaggagawa ng mga pinuno nila at mga maalam nila na hindi sumasaway sa kanila sa nakasasama.