Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 65)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 65

وَلَوْ أَنَّ أَهْلَ الْكِتَابِ آمَنُوا وَاتَّقَوْا لَكَفَّرْنَا عَنْهُمْ سَيِّئَاتِهِمْ وَلَأَدْخَلْنَاهُمْ جَنَّاتِ النَّعِيمِ 65 ٦٥

Kung sakaling ang mga May Kasulatan ay sumampalataya at nangilag magkasala ay talaga sanang magtatakip-sala Kami sa kanila sa mga masagwang gawa nila at talaga sanang magpapapasok Kami sa kanila sa mga hardin ng lugod. (65)

Tafsīr
Kung sakaling ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay sumampalataya sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pagsuway ay talaga sanang magtatakip-sala Kami sa kanila sa mga pagsuway na ginawa nila kahit pa man ang mga ito ay marami at talaga sanang magpapapasok Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin ng lugod, na magtatamasa sila sa anumang nasa mga ito na lugod na hindi mapuputol.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba