Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 79)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 79

الَّذِينَ يَلْمِزُونَ الْمُطَّوِّعِينَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ فِي الصَّدَقَاتِ وَالَّذِينَ لَا يَجِدُونَ إِلَّا جُهْدَهُمْ فَيَسْخَرُونَ مِنْهُمْ ۙ سَخِرَ اللَّهُ مِنْهُمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ 79 ٧٩

Ang mga tumutuligsa sa mga nagkukusang-loob kabilang sa mga mananampalataya kaugnay sa mga kawanggawa at mga walang natatagpuan maliban sa pinagpunyagian ng mga ito kaya nanunuya sila sa mga ito, manunuya si Allāh sa kanila at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. (79)

Tafsīr
Ang mga namimintas sa mga nagkukusang-loob kabilang sa mga mananampalataya sa pagkakaloob ng mga kawanggawang kakaunti, na mga walang natatagpuan maliban sa kakaunting bagay na bunga ng nakayanan ng mga ito kaya nanunuya sila sa mga ito, na mga nagsasabi: "Ano ang maidudulot ng kawanggawa nila?" Manunuya si Allāh sa kanila bilang ganti sa panunuya nila sa mga mananampalataya at ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba