Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 79 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 79 sa 129 • Tagalog


الَّذِينَ يَلْمِزُونَ الْمُطَّوِّعِينَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ فِي الصَّدَقَاتِ وَالَّذِينَ لَا يَجِدُونَ إِلَّا جُهْدَهُمْ فَيَسْخَرُونَ مِنْهُمْ ۙ سَخِرَ اللَّهُ مِنْهُمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ 79
Pagsasalin:
Ang mga tumutuligsa sa mga nagkukusang-loob kabilang sa mga mananampalataya kaugnay sa mga kawanggawa at mga walang natatagpuan maliban sa pinagpunyagian ng mga ito kaya nanunuya sila sa mga ito, manunuya si Allāh sa kanila at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. At-Tawbah 9:79
Tafsīr:
Ang mga namimintas sa mga nagkukusang-loob kabilang sa mga mananampalataya sa pagkakaloob ng mga kawanggawang kakaunti, na mga walang natatagpuan maliban sa kakaunting bagay na bunga ng nakayanan ng mga ito kaya nanunuya sila sa mga ito, na mga nagsasabi: "Ano ang maidudulot ng kawanggawa nila?" Manunuya si Allāh sa kanila bilang ganti sa panunuya nila sa mga mananampalataya at ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 78 Susunod At-Tawbah • Talata 80