Humingi ka ng tawad para sa kanila o huwag kang humingi ng tawad para sa kanila. Kung hihingi ka ng tawad para sa kanila nang pitumpung ulit ay hindi magpapatawad si Allāh para sa kanila. Iyon ay dahil sila ay tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail. At-Tawbah 9:80 ⧉
Tafsīr:
Humingi ka, O Sugo, ng kapatawaran para sa kanila o huwag kang humingi nito para sa kanila. Kung humingi ka nito nang pitumpung ulit, tunay na ito, sa kabila ng dami nito, ay hindi magpapahantong sa kapatawaran ni Allāh para sa kanila dahil sila ay mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa katotohanan sa mga lumalabas sa batas Niya nang may pananadya at paglalayon.