Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 69)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 69

إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَالَّذِينَ هَادُوا وَالصَّابِئُونَ وَالنَّصَارَىٰ مَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَعَمِلَ صَالِحًا فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ 69 ٦٩

Tunay na ang mga sumampalataya, ang mga nagpakahudyo, ang mga Sabeo, at ang mga Kristiyano, ang sinumang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at gumawa ng maayos ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. (69)

Tafsīr
Tunay na ang mga mananampalataya; ang mga Hudyo; ang mga Sabeo, na isang pangkat ng mga tagasunod ng ilan sa mga propeta; at ang mga Kristiyano, ang sinumang sumampalataya kabilang sa kanila kay Allāh at sa Huling Araw at gumawa ng mga gawang matuwid ay walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila mula sa mga mabuting bahagi sa Mundo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba