Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 75)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 75

مَا الْمَسِيحُ ابْنُ مَرْيَمَ إِلَّا رَسُولٌ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِهِ الرُّسُلُ وَأُمُّهُ صِدِّيقَةٌ ۖ كَانَا يَأْكُلَانِ الطَّعَامَ ۗ انْظُرْ كَيْفَ نُبَيِّنُ لَهُمُ الْآيَاتِ ثُمَّ انْظُرْ أَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ 75 ٧٥

Walang iba ang Kristo na anak ni Maria kundi isang sugo, na nakalipas na bago pa niya ang mga sugo. Ang ina niya ay isang matapat. Silang dalawa noon ay kumakain ng pagkain. Tumingin ka kung papaanong naglilinaw Kami para sa kanila ng mga tanda. Pagkatapos tumingin ka kung paanong nalilinlang sila. (75)

Tafsīr
Walang iba ang Kristo Jesus na anak ni Maria kundi isang sugo kabilang sa mga sugo. Magaganap sa kanya ang anumang naganap sa kanila na kamatayan. Ang ina niyang si Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay marami sa katapatan at paniniwala. Silang dalawa ay kumakain ng pagkain dahil sa pangangailangan nila rito kaya papaanong sila ay naging mga diyos sa kabila ng pangangailangan nila sa pagkain? Kaya tumingin ka, O Sugo, ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni kung papaano nililiwanag ni Allāh para sa kanila ang mga tandang nagpapatunay sa kaisahan Niya at sa kabulaanan ng taglay nilang pagpapalabis sa pag-uugnay ng pagkadiyos sa iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – habang sila sa kabila niyon ay nagkakaila sa mga tandang ito. Pagkatapos tumingin ka ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni kung papaano silang nababaling palayo sa katotohanan sa isang pagbaling sa kabila nitong mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba