Walang iba ang Kristo na anak ni Maria kundi isang sugo, na nakalipas na bago pa niya ang mga sugo. Ang ina niya ay isang matapat. Silang dalawa noon ay kumakain ng pagkain. Tumingin ka kung papaanong naglilinaw Kami para sa kanila ng mga tanda. Pagkatapos tumingin ka kung paanong nalilinlang sila. Al-Mā’idah 5:75 ⧉
Tafsīr:
Walang iba ang Kristo Jesus na anak ni Maria kundi isang sugo kabilang sa mga sugo. Magaganap sa kanya ang anumang naganap sa kanila na kamatayan. Ang ina niyang si Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay marami sa katapatan at paniniwala. Silang dalawa ay kumakain ng pagkain dahil sa pangangailangan nila rito kaya papaanong sila ay naging mga diyos sa kabila ng pangangailangan nila sa pagkain? Kaya tumingin ka, O Sugo, ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni kung papaano nililiwanag ni Allāh para sa kanila ang mga tandang nagpapatunay sa kaisahan Niya at sa kabulaanan ng taglay nilang pagpapalabis sa pag-uugnay ng pagkadiyos sa iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – habang sila sa kabila niyon ay nagkakaila sa mga tandang ito. Pagkatapos tumingin ka ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni kung papaano silang nababaling palayo sa katotohanan sa isang pagbaling sa kabila nitong mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh.