Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 76 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 76 sa 120 • Tagalog


قُلْ أَتَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَمْلِكُ لَكُمْ ضَرًّا وَلَا نَفْعًا ۚ وَاللَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ 76
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Sumasamba ba kayo bukod pa kay Allāh sa hindi nakapagdudulot para sa inyo ng isang pinsala ni pakinabang.” Si Allāh ay ang Madinigin, ang Maalam. Al-Mā’idah 5:76
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, habang nangangatwiran sa kanila kaugnay sa pagsamba nila sa iba pa kay Allāh: "Sumasamba ba kayo sa hindi nagdudulot sa inyo ng pakinabang at hindi nagtutulak palayo sa inyo ng pinsala sapagkat ito ay walang-kakayahan samantalang si Allāh ay malaya sa kawalang-kakayahan? Si Allāh lamang ay ang Madinigin sa mga sinasabi ninyo kaya naman walang nakalulusot sa Kanya sa mga ito na anuman, ang Maalam sa mga ginagawa ninyo kaya walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 75 Susunod Al-Mā’idah • Talata 77