Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 77 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 77 sa 120 • Tagalog


قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لَا تَغْلُوا فِي دِينِكُمْ غَيْرَ الْحَقِّ وَلَا تَتَّبِعُوا أَهْوَاءَ قَوْمٍ قَدْ ضَلُّوا مِنْ قَبْلُ وَأَضَلُّوا كَثِيرًا وَضَلُّوا عَنْ سَوَاءِ السَّبِيلِ 77
Pagsasalin:
Sabihin mo: “O mga May Kasulatan, huwag kayong magpalabis sa relihiyon ninyo ng hindi katotohanan at huwag kayong sumunod sa mga pithaya ng mga taong naligaw na bago pa niyan, nagligaw sa marami, at naligaw palayo sa katumpakan ng landas.” Al-Mā’idah 5:77
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga Kristiyano: "Huwag kayong lumampas sa hangganan kaugnay sa ipinag-utos sa inyo na pagsunod sa katotohanan at huwag kayong magpalabis sa pagdakila sa sinumang ipinag-utos sa inyo ang pagdakila roon – tulad ng mga propeta – para maniwala kayo kaugnay sa kanila ng pagkadiyos gaya ng ginawa ninyo kay Jesus na anak ni Maria dahilan sa paggaya ninyo sa mga ninuno ninyo kabilang sa mga alagad ng pagkaligaw, na nagligaw sila sa marami sa mga tao at naligaw sila palayo sa daan ng katotohanan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 76 Susunod Al-Mā’idah • Talata 78