Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 76)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 76

قُلْ أَتَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَمْلِكُ لَكُمْ ضَرًّا وَلَا نَفْعًا ۚ وَاللَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ 76 ٧٦

Sabihin mo: “Sumasamba ba kayo bukod pa kay Allāh sa hindi nakapagdudulot para sa inyo ng isang pinsala ni pakinabang.” Si Allāh ay ang Madinigin, ang Maalam. (76)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, habang nangangatwiran sa kanila kaugnay sa pagsamba nila sa iba pa kay Allāh: "Sumasamba ba kayo sa hindi nagdudulot sa inyo ng pakinabang at hindi nagtutulak palayo sa inyo ng pinsala sapagkat ito ay walang-kakayahan samantalang si Allāh ay malaya sa kawalang-kakayahan? Si Allāh lamang ay ang Madinigin sa mga sinasabi ninyo kaya naman walang nakalulusot sa Kanya sa mga ito na anuman, ang Maalam sa mga ginagawa ninyo kaya walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba