Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 77)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 77

قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لَا تَغْلُوا فِي دِينِكُمْ غَيْرَ الْحَقِّ وَلَا تَتَّبِعُوا أَهْوَاءَ قَوْمٍ قَدْ ضَلُّوا مِنْ قَبْلُ وَأَضَلُّوا كَثِيرًا وَضَلُّوا عَنْ سَوَاءِ السَّبِيلِ 77 ٧٧

Sabihin mo: “O mga May Kasulatan, huwag kayong magpalabis sa relihiyon ninyo ng hindi katotohanan at huwag kayong sumunod sa mga pithaya ng mga taong naligaw na bago pa niyan, nagligaw sa marami, at naligaw palayo sa katumpakan ng landas.” (77)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga Kristiyano: "Huwag kayong lumampas sa hangganan kaugnay sa ipinag-utos sa inyo na pagsunod sa katotohanan at huwag kayong magpalabis sa pagdakila sa sinumang ipinag-utos sa inyo ang pagdakila roon – tulad ng mga propeta – para maniwala kayo kaugnay sa kanila ng pagkadiyos gaya ng ginawa ninyo kay Jesus na anak ni Maria dahilan sa paggaya ninyo sa mga ninuno ninyo kabilang sa mga alagad ng pagkaligaw, na nagligaw sila sa marami sa mga tao at naligaw sila palayo sa daan ng katotohanan."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba