Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nakakikita ka ng marami kabilang sa kanila na tumatangkilik sa mga tumangging sumampalataya. Talagang kay saklap ang ipinauna para sa kanila ng mga sarili nila, na nainis si Allāh sa kanila. Sa pagdurusa, sila ay mga mananatili. (80)
Tafsīr
Nakasasaksi ka, O Sugo, sa marami sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga Hudyong ito na umiibig sa mga tagatangging sumampalataya at kumikiling sa mga iyon, at nakikipag-away sa iyo at nakikipag-away sa mga Monoteista. Kay sagwa ang ipinangangahas nila na pakikipagtangkilikan nila sa mga tagatangging sumampalataya sapagkat ito ay dahilan ng galit ni Allāh sa kanila at ng pagpapasok Niya sa kanila sa Apoy bilang mga mananatili roon; hindi sila lalabas mula roon magpakailanman.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: