Nakakikita ka ng marami kabilang sa kanila na tumatangkilik sa mga tumangging sumampalataya. Talagang kay saklap ang ipinauna para sa kanila ng mga sarili nila, na nainis si Allāh sa kanila. Sa pagdurusa, sila ay mga mananatili. Al-Mā’idah 5:80 ⧉
Tafsīr:
Nakasasaksi ka, O Sugo, sa marami sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga Hudyong ito na umiibig sa mga tagatangging sumampalataya at kumikiling sa mga iyon, at nakikipag-away sa iyo at nakikipag-away sa mga Monoteista. Kay sagwa ang ipinangangahas nila na pakikipagtangkilikan nila sa mga tagatangging sumampalataya sapagkat ito ay dahilan ng galit ni Allāh sa kanila at ng pagpapasok Niya sa kanila sa Apoy bilang mga mananatili roon; hindi sila lalabas mula roon magpakailanman.