Kung sakaling sila noon ay sumasampalataya kay Allāh, sa Propeta, at sa pinababa rito, hindi sana sila gumawa sa mga iyon bilang mga katangkilik; subalit marami sa kanila ay mga suwail. Al-Mā’idah 5:81 ⧉
Tafsīr:
Kung sakaling ang mga Hudyong ito ay sumasampalataya kay Allāh nang totohanan at sa Propeta Niya, hindi sana sila gumawa sa mga tagapagtambal bilang mga katangkilik na iniibig nila at kinikilingan nila sa halip ng mga mananampalataya dahil sila ay sinaway laban sa paggawa sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik subalit marami sa mga Hudyong ito ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh, sa pagtangkilik sa Kanya, at sa pagtangkilik sa mga mananampalataya.