Talagang makatatagpo ka nga na ang pinakamatindi sa mga tao sa pagkamuhi sa mga sumampalataya ay mga Hudyo at ang mga nagtambal [kay Allāh]. Talagang makatatagpo ka nga na ang pinakamalapit sa kanila sa pagmamahal para sa mga sumampalataya ay ang mga nagsabi: “Tunay na kami ay mga Kristiyano.” Iyon ay dahil mayroon sa kanilang mga ministro at mga monghe at dahil sila ay hindi nagmamalaki. Al-Mā’idah 5:82 ⧉
Tafsīr:
Talagang makatatagpo ka nga, O Sugo, na ang pinakamalaki sa mga tao sa pagkamuhi sa mga mananampalataya sa iyo at sa inihatid mo ay ang mga Hudyo dahil sa taglay nilang poot, inggit, at pagmamalaki; ang mga mananamba ng mga diyus-diyusan; at ang iba pa sa kanila kabilang sa mga tagapagtambal kay Allāh. Talagang makatatagpo ka nga na ang pinakamalapit sa kanila sa pag-ibig sa mga mananampalataya sa iyo at sa inihatid mo ay ang mga nagsasabi tungkol sa mga sarili nila na tunay na sila ay mga Kristiyano. Ang kalapitan ng pagmamahal ng mga ito sa mga mananampalataya ay dahil mayroon sa kanila na mga maalam at mga palasamba at na sila ay mga nagpapakumbaba, hindi mga nagpapakamalaki dahil ang nagpapakamalaki ay hindi umaabot ang kabutihan sa puso niya.