Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 83 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 83 sa 120 • Tagalog


وَإِذَا سَمِعُوا مَا أُنْزِلَ إِلَى الرَّسُولِ تَرَىٰ أَعْيُنَهُمْ تَفِيضُ مِنَ الدَّمْعِ مِمَّا عَرَفُوا مِنَ الْحَقِّ ۖ يَقُولُونَ رَبَّنَا آمَنَّا فَاكْتُبْنَا مَعَ الشَّاهِدِينَ 83
Pagsasalin:
Kapag nakarinig sila ng pinababa sa Sugo ay makakikita ka sa mga mata nila habang nag-uumapaw sa luha dahil sa nakilala nila na katotohanan. Nagsasabi sila: “Panginoon Namin, sumampalataya kami kaya magtala Ka sa amin kasama sa mga tagasaksi. Al-Mā’idah 5:83
Tafsīr:
Ang mga ito – gaya ng Hari ng Ethiopia at mga kasamahan nito – ay may mga pusong malambot yayamang sila ay naiyak dala ng kataimtiman sa sandali ng pakikinig sa pinababa mula sa Qur'ān yayamang nakilala nila na ito ay mula sa katotohanan dahil sa pagkakilala nila sa inihatid ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nagsasabi sila: "O Panginoon Namin, sumampalataya kami sa pinababa Mo sa Sugo Mo na si Muḥammad – basbasan Mo siya at pangalagaan – kaya isulat Mo kami, O Panginoon namin, kasama ng kalipunan ni Muḥammad – basbasan Mo siya at pangalagaan – na magiging isang katwiran laban sa mga tao sa Araw ng Pagbangon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 82 Susunod Al-Mā’idah • Talata 84