Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 81)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 81

وَلَوْ كَانُوا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالنَّبِيِّ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْهِ مَا اتَّخَذُوهُمْ أَوْلِيَاءَ وَلَٰكِنَّ كَثِيرًا مِنْهُمْ فَاسِقُونَ 81 ٨١

Kung sakaling sila noon ay sumasampalataya kay Allāh, sa Propeta, at sa pinababa rito, hindi sana sila gumawa sa mga iyon bilang mga katangkilik; subalit marami sa kanila ay mga suwail. (81)

Tafsīr
Kung sakaling ang mga Hudyong ito ay sumasampalataya kay Allāh nang totohanan at sa Propeta Niya, hindi sana sila gumawa sa mga tagapagtambal bilang mga katangkilik na iniibig nila at kinikilingan nila sa halip ng mga mananampalataya dahil sila ay sinaway laban sa paggawa sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik subalit marami sa mga Hudyong ito ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh, sa pagtangkilik sa Kanya, at sa pagtangkilik sa mga mananampalataya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba