Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 83)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 83

وَإِذَا سَمِعُوا مَا أُنْزِلَ إِلَى الرَّسُولِ تَرَىٰ أَعْيُنَهُمْ تَفِيضُ مِنَ الدَّمْعِ مِمَّا عَرَفُوا مِنَ الْحَقِّ ۖ يَقُولُونَ رَبَّنَا آمَنَّا فَاكْتُبْنَا مَعَ الشَّاهِدِينَ 83 ٨٣

Kapag nakarinig sila ng pinababa sa Sugo ay makakikita ka sa mga mata nila habang nag-uumapaw sa luha dahil sa nakilala nila na katotohanan. Nagsasabi sila: “Panginoon Namin, sumampalataya kami kaya magtala Ka sa amin kasama sa mga tagasaksi. (83)

Tafsīr
Ang mga ito – gaya ng Hari ng Ethiopia at mga kasamahan nito – ay may mga pusong malambot yayamang sila ay naiyak dala ng kataimtiman sa sandali ng pakikinig sa pinababa mula sa Qur'ān yayamang nakilala nila na ito ay mula sa katotohanan dahil sa pagkakilala nila sa inihatid ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nagsasabi sila: "O Panginoon Namin, sumampalataya kami sa pinababa Mo sa Sugo Mo na si Muḥammad – basbasan Mo siya at pangalagaan – kaya isulat Mo kami, O Panginoon namin, kasama ng kalipunan ni Muḥammad – basbasan Mo siya at pangalagaan – na magiging isang katwiran laban sa mga tao sa Araw ng Pagbangon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba