Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 8

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُونُوا قَوَّامِينَ لِلَّهِ شُهَدَاءَ بِالْقِسْطِ ۖ وَلَا يَجْرِمَنَّكُمْ شَنَآنُ قَوْمٍ عَلَىٰ أَلَّا تَعْدِلُوا ۚ اعْدِلُوا هُوَ أَقْرَبُ لِلتَّقْوَىٰ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ 8 ٨

O mga sumampalataya, kayo ay maging mga mapagpanatili para kay Allāh, mga saksi sa pagkamakatarungan. Huwag ngang mag-udyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao upang hindi kayo magmakatarungan. Magmakatarungan kayo; ito ay pinakamalapit sa pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo. (8)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, kayo ay maging mga mapagpanatili sa mga karapatan ni Allāh sa inyo bilang mga naghahangad dahil niyon ng kaluguran ng mukha Niya, at kayo ay maging mga saksi sa katarungan hindi sa pang-aapi. Huwag ngang mag-uudyok sa inyo ang pagkamuhi sa ilang tao sa pag-iwan sa katarungan sapagkat ang katarungan ay hinihiling sa kaibigan at kaaway. Kaya magmakatarungan kayo sa kanilang dalawa sapagkat ang katarungan ay higit na malapit sa pangamba kay Allāh at ang pang-aapi ay higit na malapit sa kapusukan laban sa Kanya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawa ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba