Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 92)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 92

وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ وَاحْذَرُوا ۚ فَإِنْ تَوَلَّيْتُمْ فَاعْلَمُوا أَنَّمَا عَلَىٰ رَسُولِنَا الْبَلَاغُ الْمُبِينُ 92 ٩٢

Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo at mag-ingat kayo. Ngunit kung tumalikod kayo ay alamin ninyo na tanging kailangan sa Sugo Namin ang pagpapaabot na malinaw. (92)

Tafsīr
Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos ng Batas ng Islām at pag-iwas sa sinaway nito at mag-ingat kayo laban sa pagsalungat. Ngunit kung umayaw kayo roon ay alamin ninyo na tanging tungkulin ng Sugo ni Allāh ay ang pagpapaabot ng ipinag-utos Niya na ipaabot, at naipaabot nga naman nito. Kayo kung napatnubayan kayo, ito ay para sa mga sarili ninyo; at kung nakagawa kayo ng masagwa, ito ay laban naman sa mga sarili.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba