Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo at mag-ingat kayo. Ngunit kung tumalikod kayo ay alamin ninyo na tanging kailangan sa Sugo Namin ang pagpapaabot na malinaw. Al-Mā’idah 5:92 ⧉
Tafsīr:
Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos ng Batas ng Islām at pag-iwas sa sinaway nito at mag-ingat kayo laban sa pagsalungat. Ngunit kung umayaw kayo roon ay alamin ninyo na tanging tungkulin ng Sugo ni Allāh ay ang pagpapaabot ng ipinag-utos Niya na ipaabot, at naipaabot nga naman nito. Kayo kung napatnubayan kayo, ito ay para sa mga sarili ninyo; at kung nakagawa kayo ng masagwa, ito ay laban naman sa mga sarili.