Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 93 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 93 sa 120 • Tagalog


لَيْسَ عَلَى الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جُنَاحٌ فِيمَا طَعِمُوا إِذَا مَا اتَّقَوْا وَآمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ ثُمَّ اتَّقَوْا وَآمَنُوا ثُمَّ اتَّقَوْا وَأَحْسَنُوا ۗ وَاللَّهُ يُحِبُّ الْمُحْسِنِينَ 93
Pagsasalin:
Walang maisisisi sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos kaugnay sa anumang kinain nila [noon] kapag nangilag silang magkasala, sumampalataya sila, at gumawa sila ng mga maayos, pagkatapos nangilag silang magkasala at sumampalataya sila, pagkatapos nangilag silang magkasala at gumawa sila ng maganda. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda. Al-Mā’idah 5:93
Tafsīr:
Walang kasalanan sa mga sumampalataya at gumawa ng mga gawang maayos bilang pagpapakalapit-loob [kay Allāh] kaugnay sa anumang ininom nila na alak bago ng pagbabawal nito, kapag umiwas sila sa mga ipinagbabawal habang mga nangingilag sa pagkainis ni Allāh sa kanila, habang mga mananampalataya sa Kanya, habang mga nagsasagawa ng mga gawang maayos. Pagkatapos nadagdagan sila ng pagsasaalang-alang kay Allāh hanggang sa sila ay naging sumasamba sa Kanya na para bang sila ay nakakikita sa Kanya. Si Allāh ay umiibig sa mga sumasamba sa Kanya na para bang sila ay nakakikita sa Kanya dahil sa taglay nilang pagkadama ng namamalaging pagsasaalang-alang kay Allāh. Iyon ay ang nag-aakay sa mananampalataya tungo sa pagpapaganda sa gawa niya at pagpapahusay nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 92 Susunod Al-Mā’idah • Talata 94