Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, talagang magsusulit nga sa inyo si Allāh [habang nasa iḥrām] sa pamamagitan ng isang bagay gaya ng pinangangasong hayop, na nagtatamo nito ang mga kamay ninyo at ang mga sibat ninyo, upang maghayag si Allāh sa sinumang nangangamba sa Kanya nang nakalingid. Kaya ang sinumang lumabag matapos niyon, ukol sa kanya ay isang pagdurusang masakit. (94)
Tafsīr
O mga sumampalataya, talagang susubok nga sa inyo si Allāh ng isang bagay na mag-aakay Siya nito sa inyo gaya ng pinangangasong hayop na ligaw habang kayo ay mga nasa iḥrām, na nakakukuha kayo sa mga maliit ng mga ito sa pamamagitan ng mga kamay ninyo at ng mga malaki sa pamamagitan ng mga sibat ninyo. [Ito ay] upang maghayag si Allāh ayon sa kaalaman ng paghahayag. Magtutuos Siya dahil doon sa mga tao kung sino ang nangangamba sa Kanya nang lingid dahil sa kalubusan ng pananampalataya nito sa kaalaman ni Allāh, kaya naman magpipigil ito sa panghuhuli sa pinangangasong hayop dala ng pangamba sa Tagapaglikha nito na hindi nakakukubli sa Kanya ang gawa nito. Kaya ang sinumang lumampas sa hangganan at nangaso habang siya ay nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah, ukol sa kanya ay isang parusang nakasasakit sa Araw ng Pagbangon dahil sa pagkagawa niya sa sinaway ni Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: