Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, huwag kayong pumatay ng pinangangasong hayop habang kayo ay mga nasa iḥrām. Ang sinumang pumatay nito kabilang sa inyo nang sinasadya, may isang ganti, na tulad ng pinatay niya, mula sa mga hayupan, na hahatol dito ang dalawang may katarungan kabilang sa inyo bilang handog na aabot sa Ka`bah; o may isang panakip-sala na pagpapakain ng mga dukha o katumbas niyon na pag-aayuno upang makalasap siya ng kasaklapan ng nauukol sa kanila. Nagpaumanhin si Allāh sa anumang nagdaan. Ang sinumang nanumbalik ay maghihiganti si Allāh sa kanya. Si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti. (95)
Tafsīr
O mga sumampalataya, huwag kayong pumatay ng pinangangasong hayop na ligaw habang kayo ay mga nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah. Ang sinumang pumatay nito kabilang sa inyo nang sinasadya, kailangan sa kanya ay ganting nakatutulad ng pinatay niya mula sa pinangangasong hayop gaya ng kamelyo o baka o tupa. Ihahatol ito ng dalawang lalaking nagtataglay ng katangian ng pagkamakatarungan sa mga Muslim. Ang anumang inihatol nilang dalawa ay gagawin rito ang ginagawa sa handog gaya ng pagpapadala sa Makkah at pagkakatay nito sa Ḥaram, o sa halaga niyon na pagkaing ibinibigay sa mga maralita ng Ḥaram: para sa bawat maralita ay kalahating Sā', o sa pag-aayuno ng isang araw katumbas ng bawat kalahating ṣā' ng pagkain. Ang lahat ng iyon ay upang makalasap ang pumatay ng pinangangasong hayop sa kinahihinatnan ng paglalakas-loob niya sa pagpatay niyon. Nagpalampas si Allāh sa anumang nakalipas na pagpatay sa pinangangasong hayop ng Ḥaram at pagpatay ng taong nasa iḥrām sa pinangangasong hayop ng ilang bago ng pagbabawal nito. Ang sinumang nanumbalik doon matapos ng pagbabawal ay maghihiganti si Allāh sa kanya sa pamamagitan ng pagpaparusa sa kanya dahil doon. Si Allāh ay Malakas, Matatag. Bahagi ng lakas Niya na Siya ay naghihiganti sa sinumang sumuway sa Kanya kung niloob Niya. Hindi Siya napipigil doon ng isang tagapigil.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: