Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 95 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 95 sa 120 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَقْتُلُوا الصَّيْدَ وَأَنْتُمْ حُرُمٌ ۚ وَمَنْ قَتَلَهُ مِنْكُمْ مُتَعَمِّدًا فَجَزَاءٌ مِثْلُ مَا قَتَلَ مِنَ النَّعَمِ يَحْكُمُ بِهِ ذَوَا عَدْلٍ مِنْكُمْ هَدْيًا بَالِغَ الْكَعْبَةِ أَوْ كَفَّارَةٌ طَعَامُ مَسَاكِينَ أَوْ عَدْلُ ذَٰلِكَ صِيَامًا لِيَذُوقَ وَبَالَ أَمْرِهِ ۗ عَفَا اللَّهُ عَمَّا سَلَفَ ۚ وَمَنْ عَادَ فَيَنْتَقِمُ اللَّهُ مِنْهُ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ ذُو انْتِقَامٍ 95
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, huwag kayong pumatay ng pinangangasong hayop habang kayo ay mga nasa iḥrām. Ang sinumang pumatay nito kabilang sa inyo nang sinasadya, may isang ganti, na tulad ng pinatay niya, mula sa mga hayupan, na hahatol dito ang dalawang may katarungan kabilang sa inyo bilang handog na aabot sa Ka`bah; o may isang panakip-sala na pagpapakain ng mga dukha o katumbas niyon na pag-aayuno upang makalasap siya ng kasaklapan ng nauukol sa kanila. Nagpaumanhin si Allāh sa anumang nagdaan. Ang sinumang nanumbalik ay maghihiganti si Allāh sa kanya. Si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti. Al-Mā’idah 5:95
Tafsīr:
O mga sumampalataya, huwag kayong pumatay ng pinangangasong hayop na ligaw habang kayo ay mga nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah. Ang sinumang pumatay nito kabilang sa inyo nang sinasadya, kailangan sa kanya ay ganting nakatutulad ng pinatay niya mula sa pinangangasong hayop gaya ng kamelyo o baka o tupa. Ihahatol ito ng dalawang lalaking nagtataglay ng katangian ng pagkamakatarungan sa mga Muslim. Ang anumang inihatol nilang dalawa ay gagawin rito ang ginagawa sa handog gaya ng pagpapadala sa Makkah at pagkakatay nito sa Ḥaram, o sa halaga niyon na pagkaing ibinibigay sa mga maralita ng Ḥaram: para sa bawat maralita ay kalahating Sā', o sa pag-aayuno ng isang araw katumbas ng bawat kalahating ṣā' ng pagkain. Ang lahat ng iyon ay upang makalasap ang pumatay ng pinangangasong hayop sa kinahihinatnan ng paglalakas-loob niya sa pagpatay niyon. Nagpalampas si Allāh sa anumang nakalipas na pagpatay sa pinangangasong hayop ng Ḥaram at pagpatay ng taong nasa iḥrām sa pinangangasong hayop ng ilang bago ng pagbabawal nito. Ang sinumang nanumbalik doon matapos ng pagbabawal ay maghihiganti si Allāh sa kanya sa pamamagitan ng pagpaparusa sa kanya dahil doon. Si Allāh ay Malakas, Matatag. Bahagi ng lakas Niya na Siya ay naghihiganti sa sinumang sumuway sa Kanya kung niloob Niya. Hindi Siya napipigil doon ng isang tagapigil.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 94 Susunod Al-Mā’idah • Talata 96