Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 96 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 96 sa 120 • Tagalog


أُحِلَّ لَكُمْ صَيْدُ الْبَحْرِ وَطَعَامُهُ مَتَاعًا لَكُمْ وَلِلسَّيَّارَةِ ۖ وَحُرِّمَ عَلَيْكُمْ صَيْدُ الْبَرِّ مَا دُمْتُمْ حُرُمًا ۗ وَاتَّقُوا اللَّهَ الَّذِي إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ 96
Pagsasalin:
Ipinahintulot para sa inyo ang nahuhuli sa dagat at ang pagkain doon bilang natatamasa para sa inyo at para sa mga manlalakbay. Ipinagbawal sa inyo ang nahuhuli sa katihan hanggat kayo ay nananatiling mga nasa iḥrām. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na tungo sa Kanya kakalapin kayo [para gantihan]. Al-Mā’idah 5:96
Tafsīr:
Nagpahintulot si Allāh para sa inyo ng panghuhuli ng mga hayop na pantubig at ng anumang ibinubuga ng dagat para sa inyo buhay man o patay bilang kapakinabangan para sa sinumang kabilang sa inyo na isang nanunuluyan o isang naglalakbay, na magbabaon nito. Nagbawal Siya sa inyo ng nahuhuli sa katihan hanggat kayo ay nananatiling mga nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya lamang ay ang panunumbalikan ninyo sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 95 Susunod Al-Mā’idah • Talata 97