Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 97 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 97 sa 120 • Tagalog


جَعَلَ اللَّهُ الْكَعْبَةَ الْبَيْتَ الْحَرَامَ قِيَامًا لِلنَّاسِ وَالشَّهْرَ الْحَرَامَ وَالْهَدْيَ وَالْقَلَائِدَ ۚ ذَٰلِكَ لِتَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ وَأَنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ 97
Pagsasalin:
Ginawa ni Allāh ang Ka`bah, ang Bahay na Pinakababanal, bilang pagpapanatili para sa mga tao, ang Buwang Pinakababanal, ang alay, at ang mga nakakuwintas. Iyon ay upang makaalam kayo na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa at na si Allāh, sa bawat bagay, ay Maalam. Al-Mā’idah 5:97
Tafsīr:
Ginawa ni Allāh ang Ka’bah, ang Bahay na binanal, bilang pagpapanatili para sa mga tao. Nagpapanatili ito ng mga kapakanan nilang panrelihiyon gaya ng pagdarasal, ḥajj, at `umrah, at ng mga kapakanan nilang pangmundo sa pamamagitan ng katiwasayan sa Ḥaram at ng pagkalap ng mga bunga ng bawat bagay patungo roon. Ginawa Niya ang mga buwang pinakababanal: ang Dhulqa`dah, ang Dhulḥijjah, ang Muḥarram, at ang Rajab bilang pagpapanatili para sa kanila dahil sa katiwasayan nila roon laban sa pakikipaglaban sa kanila ng iba ba sa kanila. [Ginawa Niya] ang alay at ang mga hayop na nakakuwintas na nagpapahiwatig na ang mga ito ay inaakay patungo sa Ḥaram bilang pagpapanatili para sa kanila dahil sa katiwasayan ng mga may-ari ng mga ito laban sa pagsasailalim sa kanila sa isang kapinsalaan. Yaong ipinagmagandang-loob ni Allāh sa inyo ay upang makaalam kayo na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa, at na si Allāh, sa bawat bagay, ay Maalam sapagkat tunay na ang pagsasabatas Niya para roon para magkamit ng mga kapakanan para sa inyo at magtulak ng mga kapinsalaan palayo sa inyo bago mangyari ang mga ito ay isang patunay sa kaalaman Niya sa nakabubuti para sa mga tao.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 96 Susunod Al-Mā’idah • Talata 98