Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ipinahintulot para sa inyo ang nahuhuli sa dagat at ang pagkain doon bilang natatamasa para sa inyo at para sa mga manlalakbay. Ipinagbawal sa inyo ang nahuhuli sa katihan hanggat kayo ay nananatiling mga nasa iḥrām. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na tungo sa Kanya kakalapin kayo [para gantihan]. (96)
Tafsīr
Nagpahintulot si Allāh para sa inyo ng panghuhuli ng mga hayop na pantubig at ng anumang ibinubuga ng dagat para sa inyo buhay man o patay bilang kapakinabangan para sa sinumang kabilang sa inyo na isang nanunuluyan o isang naglalakbay, na magbabaon nito. Nagbawal Siya sa inyo ng nahuhuli sa katihan hanggat kayo ay nananatiling mga nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya lamang ay ang panunumbalikan ninyo sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: