Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ginawa ni Allāh ang Ka`bah, ang Bahay na Pinakababanal, bilang pagpapanatili para sa mga tao, ang Buwang Pinakababanal, ang alay, at ang mga nakakuwintas. Iyon ay upang makaalam kayo na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa at na si Allāh, sa bawat bagay, ay Maalam. (97)
Tafsīr
Ginawa ni Allāh ang Ka’bah, ang Bahay na binanal, bilang pagpapanatili para sa mga tao. Nagpapanatili ito ng mga kapakanan nilang panrelihiyon gaya ng pagdarasal, ḥajj, at `umrah, at ng mga kapakanan nilang pangmundo sa pamamagitan ng katiwasayan sa Ḥaram at ng pagkalap ng mga bunga ng bawat bagay patungo roon. Ginawa Niya ang mga buwang pinakababanal: ang Dhulqa`dah, ang Dhulḥijjah, ang Muḥarram, at ang Rajab bilang pagpapanatili para sa kanila dahil sa katiwasayan nila roon laban sa pakikipaglaban sa kanila ng iba ba sa kanila. [Ginawa Niya] ang alay at ang mga hayop na nakakuwintas na nagpapahiwatig na ang mga ito ay inaakay patungo sa Ḥaram bilang pagpapanatili para sa kanila dahil sa katiwasayan ng mga may-ari ng mga ito laban sa pagsasailalim sa kanila sa isang kapinsalaan. Yaong ipinagmagandang-loob ni Allāh sa inyo ay upang makaalam kayo na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa, at na si Allāh, sa bawat bagay, ay Maalam sapagkat tunay na ang pagsasabatas Niya para roon para magkamit ng mga kapakanan para sa inyo at magtulak ng mga kapinsalaan palayo sa inyo bago mangyari ang mga ito ay isang patunay sa kaalaman Niya sa nakabubuti para sa mga tao.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: