Surah Qāf (Qaf — ق) (Talata 22)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




50 Qāf(ق), Talata 22

لَقَدْ كُنْتَ فِي غَفْلَةٍ مِنْ هَٰذَا فَكَشَفْنَا عَنْكَ غِطَاءَكَ فَبَصَرُكَ الْيَوْمَ حَدِيدٌ 22 ٢٢

[Sasabihin]: “Talaga ngang ikaw dati ay nasa isang pagkalingat rito, kaya humawi Kami sa iyo ng takip mo kaya ang paningin mo ngayong araw ay matalas.” (22)

Tafsīr
Sasabihin sa inaakay na taong ito: "Talaga ngang ikaw dati sa Mundo ay nasa isang pagkalingat sa Araw na ito dahilan sa pagkalinlang sa iyo ng mga pagnanasa mo at mga minamasarap mo, kaya humawi Kami sa iyo ng pagkalingat mo sa pamamagitan ng magpapasakit sa iyo na pagdurusa at pighati kaya ang paningin mo ngayong araw ay matalas, na matatalos mo sa pamamagitan nito ang bagay na ikaw dati ay nasa isang pagkalingat."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba