Surah Qāf (Qaf — ق) (Talata 45)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




50 Qāf(ق), Talata 45

نَحْنُ أَعْلَمُ بِمَا يَقُولُونَ ۖ وَمَا أَنْتَ عَلَيْهِمْ بِجَبَّارٍ ۖ فَذَكِّرْ بِالْقُرْآنِ مَنْ يَخَافُ وَعِيدِ 45 ٤٥

Kami ay higit na maalam sa anumang sinasabi nila. Ikaw sa kanila ay hindi isang palasupil, kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur’ān sa sinumang nangangamba sa banta Ko. (45)

Tafsīr
Kami ay higit na maalam sa anumang sinasabi ng mga tagapagpasinungaling na ito. Ikaw, O Sugo, ay hindi tagapangibabaw sa kanila para pumilit ka sa kanila sa pananampalataya. Ikaw lamang ay tagapagpaabot ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh na ipaabot. Kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur’ān sa sinumang nangangamba sa banta Ko para sa mga tagatangging sumampalataya at mga tagasuway dahil ang nangangamba ay ang napangangaralan at nagsasaalaala kapag pinaalalahanan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba